
"ang ganda naman ng kabaong ni celing!"
sa lahat ng magagandang bagay na pwedeng pansinin, hindi ko ma-gets kung bakit may mga taong nakaka-appreciate ng itsura ng ataul. tita ko may sabi nung mga katagang nasa itaas. sinabi niya iyon noong 2002, sa unang gabi ng lamay para sa tatay ko.
oh well, pleased na rin ako dahil ako naman ang pumili ng ataul ni daddy, at ang tita ko, among all things, ay isang taong eksperto sa aesthetics, at interior design.
naalala ko nung bata pa ako, kasama ko ang pinsan kong naglalaro sa ilalim ng grand piano ng tita ko, nang bigla niya kaming kinausap tungkol sa kamatayan. napaka-weird na topic, hindi ba? pero ganun talaga ang tita, lalo na kapag meron siyang kaibigang nauna na sa byahe papunta kay papa God.
ang sabi niya:
"aalagaan niyo ba ako pagka matanda na ako?"
e pilya yung pinsan ko, at ako nama'y isa pang salbahe, at sabay namin sinabing, "hindi. lalagay ka namin sa home for the aged."
"e paano pag namatay ako bukas?"
"babalot ka namin sa banig at paaanod sa bankerohan river."
napaluha ang tita ko noon. at isang linggo namin siyang sinuyo hanggang nahimasmasan at naging ok na uli kami.
hindi kaaya-ayang issue ang kamatayan sa nakararami. hindi kasi natin alam kung ano na nga ang mangyayari kapag patay na ang isang tao. totoo bang may espiritu? totoo bang may next plane of existence gaya ng nakasaad sa hinduism at kabala? ; pwede ba akong ma-recylce bilang isang ipis kung naging cruel ako sa ipis sa past life?
things like that.
pero kung kwentong deds lang ang paguusapan, aba'y wala pang nakakatalo sa kwento ng madir ng kaibigan ko. eto't ilalahad ko, tingnan ko lang kung di rin mag-iiba ang pananaw ninyo tungkol sa pagyao.
eto:
nasa ospital pa lang at hinihintay na malagutan ng hininga, yung dalawang kapatid na bading ng kaibigan ko'y nagtatarayan pa rin. nang nag-umpisang maghinalo ang motherhood nila, bumaba ng ospital yung isa dahil di makatiis. tapos, tumawag siya sa celfone nung bading na naiwan sa room.
"hello. ibigay mo ang telefono kay mommy. (ni-loud speaker ng kapatid sabay lagay sa tenga ng mommy nila ang phone)
"mommy? mommy? pag may light ka nakita don't go there mommy ha. don't go there."
sumagot rin naman ang mommy nila pero dahil nga mahinang mahina na ito, di na maintindihan kung anong sinasabi niya sa anak na kausap sa telepono.
"anong sinasabi ni mommy? what's she saying? di ko maintindihan! anong sinasabi ni mommy?"
sumagot naman ang kabangayang kapatid: "anong sabi ni mommy? ADOPTED KA RAW!"
kasali rin sa mga tagpong ospital ang pagfamily meeting nilang magkakapatid tungkol sa susuotin ng mommy nila sa pagkamatay.
"ay yung gown na gawa ni ____________. napagusapan na namin yon nung malakas pa siya."
tanong naman ng isang kapatid, "eh anong shoes niya?"
"gaga. wag na yang shoes para kapag binisita tayo ni mommy di natin maririnig mga yapak niya."
at nung nalagutan na nga ng hininga ang mommy nila....
nag-ring ang telefono sa suite room. ang nurse sa station, inanunsyo na nasa baba na ang sugo ng funeral parlor para kunin ang katawan ng mommy nila at ayusan.
noon pa lang tinakpan ng kumot ng isang bading na kapatid ang mommy nila.
"bye, mommy."
nag-ring ulit ang telefono. ang nurse ulit, hindi raw pala ang mommy nila ang susunduin, matatagalan pa raw ng ilang minuto.
binuksan uli ng bading ang kumot.
"hello again, mommy."
sa punerarya, habang naghihintay kaming lahat sa chapel at inaabangan ang pagtatapos ng make up ng mommy nila, biglang lumitaw yung isa pang bading na kapatid sa chapel at kinunsume ang isang kabarkadang bading na noo'y naghihintay rin.
"akin na ang concealer mo."
"ah, eh naiwan ko."
"akin na ang concealer mo, wag kang maramot. pahiram natin kay mommy konti."
xxx
xxxx
xxxxx
hindi naman sa katawa-tawa ang mga nangyari dahil kailan ba naging katawa-tawa ang mamatayan? lubos lang ang paghanga ko sa buo nilang pamilya na biniyayaan ni papa God ng sapat na panahon para matanggap ang pagkakaroon ng nakamamatay na cancer ng kanilang ina. handa na sila, so to speak. hindi nabigla, walang regrets. lahat ng gusto nilang sabihin at iparamdam sa kanilang mommy ay nagawa at nasabi nila, dahil nagkaroon sila ng time.
xxx
xxxx
xxxxx
how would you like to be remembered?
ako, sapat na sa akin na maalala bilang maganda, sexy, magaling, matalino, mapagmahal at maalaga na mommy.
simple diba?

27 nagbilog ng kulangot:
grabee ang galing naman nila.
sa buong buhay ko, wala pa ko nakitang namatayan na ganyan ang reaksyon. ang kewl nila ha, saka parang puppy lang ang na-deds.
ako siguro, indi ko mapa-promise na magiging ganyan ako ka-ok :( kasi yan ang isa sa mga kinatatakutan ko na mangyari. wag naman sana.
:)
lahat naman tayo, alingbaby, ganyan ang pananaw tungkol sa kamatayan. pero wat ken we do e parte talaga ng buhay ang mamatay?
ako man, gusto ko ring handa ang aking pamilya kung sakaling ako'y tawagin na ni papa God dahil kailangan niya na ng isang anghel na mukhang demonya. hehehe
sori ha, medyo natawa ako sa kwento mo. ankulit kasi ng dalwang bading.
asteg... pero diba? mas maganda ma express mo yung real feelings mo sa mga nangyayari kesa magkunyari ka na masaya?
(ako naman magpapadugo ng ilong,mata at tenga mo..hehehe)
hmmmmmmm. . .
gusto ko din magsulat nayun araw ng something about death. hmmmm, bakit kaya ganun.
nabasa ko rin ulit yun blog ni dokmnel, partly about death din, an creepy.
uh, antok na ako...
haha, out na si teacher racoon. flyfly!
@pensucks: naku wag kang magsori, dahil kaming lahat na magbabarkada ay bahagya ring naaliw sa palitan nila ng mga kaokrayan.
@gagitos/wei: alam kong ikaw yan wei dahil ikaw pa lang pinadugo ko sa blogosperyo. haha
ang masasabi ko lang eh kanya kanyang istayl ang tao sa pagluksa. may ibang OA, at may ibang kulang sa timpla. at merong ibang normal lang din.
but normal is relative. hindi ba? depende sa tumitingin. (back at you! bleed ka ulit! haha)
@ alitaptap: jowskow ano ka ba talaga, alitaptap o racoon? bagong breed ka na ha, kokontesin mo pa ang platypus sa spare parts eh.
hope makatulog ka ng mahimbing this time around at di ka na maging racoon bukas. hehe
nakakabilib naman yung pamilya nila. alam mong may pain pero hindi pinapakita para maging matatag sila. at ang galing nila dahil pinakita nila talagang mahal nila ang isa't isa, yon ang importante. =)
@ tentay:
nagnostalgia ako sa handle mo dahil yung patis namin sa pinas dati ay tentay. ahehe
uu tama ka, at dagdag pa ron, naging matatag sila dahil sa isa't isa sila humugot ng lakas.
tenchu sa pagdaan. add kita sa blagrowl ko ha.
:D
may post akong katulad nito nung sa friendster pa ako nagba-blog. hehehe...
http://autopsy-turvy.blogs.friendster.com/autopsyturvy_formaldehyde/2005/12/english_writing.html
God bless!
okay ah. bentang benta sa akin yung "adopted ka raw" line. hehehe
momski! gusto ko rin yang sayo... gusto ko rin pag namatay ako, sasabihin ng mga tao eh maganda, sexy, magaling, matalino at maganda pa ulit ako
hahaha..natawa naman ako sa inyong mag pinsan.. ang kukulit ng sagot nyo. tinanong din ako ng nanay ko minsan nyan na kung aalagaan ko daw b sya pag tanda..sympre naman ang sagot ko at sabi ko sa annay ko kung gusto mo nay, may private nurse k pa e..hehehe=)..
wala talagang katawa-tawa pagdating sa kamatayan pero the way ng paguusap nila at ng pagkwento mo, naging very light ang situation. hehehe
gusto ko bago ako mamatay eh yung paglalamayan na ako. gusto ko makita at marinig lahat ng sasabihin nila at bibigyan ng parangal kung magkakaroon. medyo naiinis kasi ako sa mga binibigyan ng parangal yung mga patay na eh, parang nasasayangan ako. bat hindi pa binigay nung buhay pa.
saka gusto ko merong tribute at documentary. simple lang din ano?
@brother utoy:
naks naman old hand ka na pala sa pagba-blog ha. sige puntahan mo mamaya ang blog mo sa prendster. meron din akong blog dun: www.purokareklamo.blogs.friendster.com
God bless you, too!
:D
@ taps:
bakit naman wala kang iniwang link? hindi kumpleto ang iyong bakas, kapatid! come back! give me a link! (uy nagdemand?)
dun rin kami natawa sa linyang yon. tiyempo rin kasing hindi nila kamukha ang kapatid nilang iyon dahil sa ibang side ng family kumuha ng face. ang gulo!
@ ifm:
naku marami tayong pila-pila sa ganyang alaala.
ako nama'y walang K pero susubukan ko lang ang swerte ko by demanding my kids to say exactly that or wala silang mamanahin sa akin. (as if naman may ipamamana bukod sa lumang bra at panty. hehehe)
@ rio:
eh kumusta naman yung june 30 affair mo? bisitahin kita tonight sa blag mo kasi whole morning akong magsa-shopping. atsus! shopping raw eh ubos lang pala ang toyo at sukang anghang. ehehe
masama talaga ang ugali namin dati pero reformed na ako ngayon. yung pinsan ko, hindi na ako magsasalita dahil bad na bad at makulit pa rin yon. heheh
napakabait mong anak. sana maging sing-sweet mo si bruhilda at impaktita.
@ dyey:
anubayon parekoy, advance celebration ng lamay? ober ka rin ha. tama ka, beri simple nga. hehe
napaka-fake nga kung tutuusin ang mga ginagawang speech kapag may namamatay.. andyan yung sasabihin nilang napakabait raw noong nabubuhay eh sa totoo lang pang gulo lang sa neborhood. hakhakhak
takot din akong madeds...
i've seen a movie regarding sa kachorvahan...
she's worrying too[the protagonist] if what will gonna happen kapag namatay sya...
tapos sabi dun sa mubi:
ito'y katulad din ng pakiramdam before ng pagkakabuo natin sa ibabaw ng lupa... WE DO NOT EXIST...
pero..takuts parin ako... i have a death phobia... haha.. weird...naiiyak talaga ako kapag naiisip ko kapag mamamatay na ko... anong mangyayare...
hindi epektibs saken yung isipin na lahat ng creatures sa mundo ay mawawala...mamamatay...
...
T-T
panda bear:
jowskow, wag mo nalang isipin. anuber.
ang mabuti nating gawin ay magpakasaya at maging tao para sa kapwa para everybody happy!
wla namang may gustong mamatay. hehe. anuber.
hindi ako natawa dun sa kwento ng friend mo, actually, napangiti ako kasi ang positive ng tingin nila dun sa pagkamatay ng mommy nila pero yun nga, ready na siguro sila sa nangyari..
ako, gusto ko lang pag namatay ako, maraming pumunta sa burol at libing.. yun lang.. :D
@ lingling:
e di marami ka namang pakakainin at pakakapehin nun? hehe
nalungkot ako....
at sana may kapatid din akong bading
@ kamotenista:
alam mo, (wag ka maingay kay sarge), yung bunso kong si bruhilda marie noong pinagbubuntis ko ay pinaglihi ko sa estudyante kong bading.
eto ngayon ano kamo ang gusto niyang maging paglaki?
"i want to be a pretty, pretty flower" daw. o diba sabi ko na totoo talagang may influence ang lihi.
:D
dko mapigilang tumawa pero tama po kayo, sensitibo at seryosong topic to...
chrone: tingin ko ang lebel ng sensitivity at seriousness ay relative. ibig kong sabihin, depende sa perception ng namatayan. nung namatay ang tatay ko naglupasay ako sa sahig ng ospital. ngayon iniisip ko wa poise yung ginawa ko.
Post a Comment