Friday, 18 July 2008

CHICKEN LITTLE




minsan sa buhay ko bilang musmos ay nag-alaga kami ng mga manok sa bakuran. at hindi basta manok ang naging una kong mga alaga, kundi mga bantam: isang uri ng miniature manok.

naaalala ko pa ang pagmartsa-martsahan nina "aga" at "aiko" sa likod at harap ng bahay, at naaalala ko rin ang di minsanang panonood ko sa kanilang mating habits at rituals. lagi kong binobosohan ang kanilang mga private affairs.

nung minsang nahuli ako ng nanay ko at ako'y tinanong kung anong ginagawa ko, binalik ko ang uncomfortable moment sa kanya nang tinanong ko kung ano ang ginagawa ni aga kay aiko. eh mestisang kastila ang nanay ko. at naaalala ko pa ang napakapulang kulay na kumalat sa kanyang maputlang mukha at leeg nang mga oras na iyon.

"i don't know," sagot niya.

eh bakit laging pinapatungan ni aga si aiko? naka-tatlong beses na siya simula kaninang umaga...

"i don't know nga, eh." mariin na sagot ng nanay ko. at pagkasabi non, ay tumalikod na siya at iniwan na akong namboboso sa aking mga manok.

kinagabihan, sinabihan niya akong mag-sorry kay Lord during our six o'clock prayer. hindi ko malaman kung anong kasalanan ang aking nagawa, bagama't may idea ako nang kaunti. hindi lang ako sure noon kung dahil nga ba sa panonood ko kina aga at aiko.

"bakit, mommy?"

"basta mag-sorry ka."

"para saan po?"

"wag nang matigas ang ulo. mag-sorry ka na kay Lord."

"sorry, Lord."

ang nanay ko talaga. aaminin kong salbahe ako noong bata pa ako, pero alam ko kung sino ang boss sa bahay, at ang nanay ko iyon. kahit ang tatay ko, tikom ang bibig kapag mainit ang coconut shell ng mother. bumubuga kasi siya ng apoy, kaya di kailanman umubra ang pagiging salbahe ko sa kanya.

hindi sa naninira ako ng ibang lahi, pero sa aking palagay, sobrang lupit talaga ng mga kastila. ang pruweba ko ay hindi lang hango sa mga inilathala ni Rizal sa El Fili at sa Noli, kundi sa sariling experience na rin.

ang six o 'clock na dasal, o angelus kung tawagin, ay nakasanayan sa bahay dahil iyon rin ang tinuro ng lola ko sa nanay ko. naaalala ko noong minsang nagbakasyon kami sa ilocos sur, kung saan naroon ang lupain ng pamilya ng nanay ko, at wala namang nag-briefing sa akin ng tungkol sa angelus kung kaya kaming dalawa ng pinsan kong si paul ay naparusahan dahil nakikipag baril-barilan pa kami sa ibang bata sa bukid sa panahon ng dasal.

kapwa kami sinilid sa sako at nilambitin sa puno. takot na takot ang munting munggo noon, dahil napakaliit ng sako, at dahil na rin marahil sa takot na mahulog. ang kuya paul ko ay pasipol-sipol pa; halatang sanay na sanay na sa ganoong parusa.

lagi kong pinapaulit sa tatay ko ang kwento ng pagiibigan nila ni mommy. ang tatay ko kasi ay anak ng isang magsasaka. ang sinasaka nila ay parte ng lupain ng pamilya ng nanay ko. parang pelikula diba? mahirap at mayaman, nagkagustuhan.

matalino rin naman ang tatay ko, kaya nakapag-aral ng kolehiyo sa pamamagitan ng iskolarship. nang makapagtapos sa maynila ay binalikan niya sa ilocos ang nanay ko at nagpakasal sila. hindi siya gusto ng lola ko para sa nanay ko, at ayoko namang magbigay ng haka-haka dahil patay na rin naman ang lola ko at unfair para sa kanya kung huhusgahan ko siya dito sa blog ko. (takot rin kasi ako sa mumu).

basta ang ending ay nagpakalayu-layo sila sa luzon at noon nga'y napadpad na sa mindanao: sa davao, kung saan ako'y kanilang inampon, inalagaan at pinalaki.

sayang at hindi sila nagka-anak. dahil kapag nagkataon, dehado talaga ako sa looks department ng mga naging kapatid ko sana. napakaganda ng nanay ko, at napakapogi naman ng tatay ko. magmumukha akong mongrel kung sakali mang nagkaanak sila.

ewan ko ba. gusto ko rin namang makilala ang nanay ko na nagsilang sa akin. siya kasi ay 18 years old lang nang ipinagbuntis ako. maagang naglandi, kumbaga. sa tatay ko naman wala na akong pag-asa, dahil adik raw ito at tumalon mula sa bubong ng isang eskwelahan sa davao na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.

pero pansin ko lang na kung saan saan na napadpad ang kwentong ito na nagsimula kina aga at aiko.

alam niyo ba na kapag nagse-sex ang mga manok ay nagli-lips to lips ang kanilang mga pwet? o ngayon, alam n'yo na.

laging tandaan, ang buhay ay weather weather lang.


xXx


29 nagbilog ng kulangot:

kengkay said...

alam mo bang kapag tumilaok ang manok sa gabi e may buntis sa kapitbahay ninyo, hehehe

Mahiwagang Sibuyas said...

huwaaaaw, tru tu layp ba yan UM?

naglilips to lips? paano un? torrid ba? o yung smack cheneler lang? ay bonggang bongga! hahahaha apir!* :D

Nang Magblog si Winkii said...

hakhak,, astig naman.. pano naman nalilipat yung sperm ni rooster? dq maimagine. hehe

ifoundme said...

ngayon alam ko na, momski, na naglilips to lips pala ang puwet ng mga manok pagnagsesex. thanks to you. hahaha!!

prinsesamusang said...

ngayon alam ko na kung bakit wala kang privacy sa banyo kasi parusa sayo yan ng panginoon ng mga manok dahil sa panonood mo sa kanilang mating rituals noong araw. lol

nakakaaliw talaga ang mga kwento mo. bagong salta lang kasi ako. lol

buzzing flowerpecker said...

naku exciting i-observe yung mga breeding behavior ng mga birds in general.

hindi ka masagot nang matino ng nanay mo kasi alam niyang alam mo na kung ano ang ginagawa ni aga at ni aiko!

:D

sommer said...

...from aga to aiko, to munting munggo sa sako, to love story parents mo hanggang lips to lips ng pwet ng manok...namangha ako kasi dami interesting kwento buhay mo.heheheh!
...pero ano itsura putotoy ng manok..kasi alam ko sa bibe spiral e...=)

UtakMunggo said...

@ mommy k: bago yan ah. ahehe nakiki-kuya kim mode ka rin? hehe

xXx

@ onions: uu naman tru to life halo halo speyshal.

eksperto yata to sa chicken fornication. ahaha

xXx

@ winkii: binabawi ko na ang huling comment ko kay mahiwagang sibuyas, hindi pala ako eksperto dahil hindi ko alam paano yung transfer ng sperm galing sa tandang. kailangan ng ibayong research para diyan.

xXx

@ifm: walang anuman, kapatid. alam mo namang gusto kong palitan si kuya kim sa segment niya. hahaha

xXx

@ musang: may laman yang tiyorya mo, kapatid. i bet yan na nga ang parusa ng kalawakan sa mga past deeds ko. hahaha

xXx

@ buzzing flowerpecker:

napakahaba naman ng iyong handle. hahaha.. pero di ako nagrereklamo, baka di ka na bumalik dito. salamat sa pagdaan..

oo, ngayong matanda na ako'y alam ko na nga kung bakit naging ganoon ang reaction ng motherness.

:D

xXx

@sommer:
walang ganoong kung ano mang spiral or whatever.. walang putotoy talaga, swear. lips to lips lang talaga ang na-witness ko. huli ka! namboboso ka rin pala sa mga bibe ha. hehhehe

RJ said...

kung saan saan na nga napunta ang kwento, free flowing kasi. hehehe

kaya pala peyborit kong parte ng manok ay pwet. di ko lang madistinguish kung babae o lalake ang pwet ng manok na chinichibog ko. hehehe

UtakMunggo said...

naku dyey delikado yang di maka-distinguish, baka kung saan pa mauwi yan..

ahahaha

:D

Kirksydney said...

Nung nagbaksyon din ako sa Leyte, pinagdadasal kame ng Angelus ng lola namin tuwing 6pm. Eh hinde ko kabisado yun kaya hinahatak ko lage yung utusan namin sa bahay para may sumagot naman sa lola ko kapag nag umpisa na syang magdasal, haha.

Kakatuwa talaga blogs mo, pangtanggal stress, pagod, badtrip, inis, libog, galit, at kung ano ano pa.

Nyahahaha!

watusiboy said...

nakakainspire ka naman dahil hindi ka bitter. may iba kasi na may rebelde mode, alam mo na.

at tingnan mo nga naman, sa mga manok ka pa namulat sa kamunduhan. haha.

naalala ko tuloy yung alaga naming manok. actually di naman talaga yun intended na maging alaga. assuming lang ako kasi naguwi ng buhay na manok yung nanay ko. ayun kinatay, sa harap ko pa after a few days. sadista ang nanay ko. haha

UtakMunggo said...

@kirk: konting konti na lang ililibre na kita. ahahha..!
may lolang handred meter dash talkaton ka rin pala. akala ko di ako makakatagpo ng karamay dito sa blogosperyo.
:D

xXx

@watusi: siguro kung pinakitaan nila ako ng kaiba sa mga pinakita't pinamalas nila sa akin, may maliit na porsyentong nagrebelde rin ako. kaso mo lang talaga namang kinarir nila ang pagpapalaki kaya siguro walang bitterness, except naaalala ko noon talagang winish ko na sana naging tunay ko na nga silang magulang para talbog lahat ng mga naging muse sa mga naging klase ko sa grade school. (ambabaw. hahhaha)

oo nga, naging instrumento ang mga manok para mapukaw ang aking mahahalay na pananaw sa buhay. hahhaha

sa harap mo pinatay ang manok? e di ka ba naman nagshut down at umayaw sa sinerve sa iyong adobo/tinola sa hapag?

:D

Kirksydney said...

Yey! Ano namang ililibre mo saken? Wag sana yung alatires kasi tao po ako, haha.

Uu hanep yung lola ko na yun, hinde talaga inuumpisahan yung Angelus hanggat wala ako. Pinapahanap nya ko kahit nasaang lupalop pa ko, haha.

UtakMunggo said...

@kirk:
mabuti kamo at pinapahanap ka lang, eh kami dati manhunt lang yata ang tanging word na naiisip ko ngayon.. dahil matapos kaming mahanap, sako ang bestfriend namin sa magdamag.

FerBert said...

batang ilocos sur ako.. doon ako lumaki. baka alam ko kung saan yung lupain ng iyong mother..

mahirap magsorry ng hindi mo alam ang dahilan.. dapat inexplain na lang sayo ng mom mo yung tungkol sa birds and the bees at least kahit papano eh alam mo kung baket ka pinagsosorry kay lord..

at hindi mo kasalanan kung baket mo napanood yung mating chever nina aga at aiko dahil hindi naman sila marunong kumuha ng kwarto. Wala man lang silang sense of privacy napaka-exhibitionist nila..mga hayop talaga! bwahahah

KRIS JASPER VAN DYKE said...

nung nagpakasal si aga kay charlene, umiyak ba si aiko mo?

anw, ganda naman ng lifestory mo... parang MMK.

gagitos said...

nice... sayang naman, hindi sila gumawa ng bagong artista...lols

-wei

UtakMunggo said...

@ferbert: hindi nga? ilocos sur ka? magsinggal ang mga magulang ko. jurado, garcia at udarbe ang angkan ni mother. teka baka pamangkin na kita o lolo? hehe

:D

xXx

lol, kj, yan rin ang sabi ng mga nakakaalam ng complete story ng aking life. naisip ko ngang pagkakitaan at ilapit kay tita charo eh. hehe.. pero hindi nga, makulay nga talaga ang naging buhay ko kung iko-compare ko sa karamihan.

:D

xXx

wei! ano may bagong post na ba? naka seben tawsan cheberlyn ngongo na akong balik sa gagitos ah. ehehehe

oo sayang talaga ang genes nila. si papa God talaga kung magbiro malignant. hahaha

kamotenista said...

para po kayong si Kuya Kim ang buhay ay weather weather lang..hehehe

pero Your Highness ang ganda ng story mo kahit bahagya lang ang pagkakwento.

kung kadalasan pag namamasyal ako sa palasyo mo napahahalakhak ako ngayon "smile".pareho kayo ng story ng tatay ng bestfriend ko..

kumusta naman ang sako?para plang langka na nakasabit ang eksena nun...hehehe

neuroticsister said...

huwOw! ganun pala yun! ahahaha ngaun alam ko na.... naalala ko tuloy nung may ganung manok din kami dati, kulang na lang gawin ko silang keychain at isabit sa bag ko... lol
kaso nga lang hindi artista ang pangalan nila allen at kobe yata yung isa, hindi ko nga lang alam kung ano ang gender nila... lol

at dahil panalo ang blog mo sa aking mga mata, ilalagay kita sa blog roll ko ha...=)

mnel said...

nag-alaga din ako ng mga manok dati kaya lang nung binata at dalaga na sila, naisipang silang ihain sa mesa bilang sangkap sa tinola. "rocky" at "ellaine" pa ang pangalan nila. promise. di ako kumain. =|

natuwa ako sa kwento mo miss munggo. namiss ko ang pagpunta rito. pesteng acads. nakakasira ng buhay blogging. hehe.

ang ganda nga ng kwento ng mga magulang mo. parang telenovela. naiimagine ko yung mga litanya siguro ng lola mo noon.

"sinverguenza!"

hehe.

di ka naman siguro magmumukhang mongrel kung nagkaanak sila... baka basahan pwede pa. haha. joke lang. =D

Pinoy Teens said...

Greetings Pinoy!

I'm 17yro Kevin Paquet from Davao City, currently blog hopping!
Can we exchange links? My website is pinoyteens.net
Hoping to know you better and that we'll have a happy blogging relationship!
If you accept our link exchange request, please comment back on us so that we'll add you then :)

ps: you can also add me on ym if you want: i.believe_11

Salamat po!
We'll leave on topic comments next time, sorry for this offtopic one, kaya nga naghahanap kami ng link exchanges to also exchange good comments in future ^^,) bow

UtakMunggo said...

@kamots: aba di ako payag may kagaya ako ng storya. hahaha

uu langka nga. hehe ang una kong basa ay "talangka", napa-double take tuloy ako. mismo, langkang nakasabit ang drama-dramahan dati.

xXx

@neuroticsister:
madali namang malaman ang gender ng manok (except kung sisiw pa sila), dahil ang boyps na manok ay may tapay (o yung parang headress) at ang gelps naman ay mas trimmed ang peyders at maliit ang tapay.

xXx

doc mnel! maligayang pagbabalik dito sa aking kubo! oo nga, ang acads nakakasira ng prendship. haha.. eh kumusta naman ang iyong buhay life? napadaan ako sa site mo kahapon ah.

malamang nakatikim nga ng malutong na sinverguenza si motherness noon.

gawin ba akong basahan? e non-living thing yon anukaba. hehe

xXx

@pinoyteens:
uuuuy salamat naman sa iyong imbitasyon ngunit subalit bagamat datapwat.! hindi naman ako teen, mukha lang. hahaha

visit kita mamya pagka-agahan.
:D

alingbaby said...

hahaha!! uyy, bagong kaalaman yan ah.

lam mo ate elizbeth(ang haba hehehe..)habang binabasa ko ito parang dinaanan ko yung iba't-ibang teleserye ng anna luna, mara clara, esperanza hahahaha!! ang kulit! seryoso ng topic mo tapos patawa ka pa rin.

teka po, indi ka ba nagbalak na anapin si mader tunay? curious lang ako para kay mara hehehe...;)

UtakMunggo said...

@ alingbabes:

uu naman, at naniniwala akong nahanap na siya ng taong pinahanap ko sa kanya. maliit lang kasi ang lugar nila sa bohol, at halos magkakamag-anak sila sa lugar na iyon. last ko narinig nasa ginoog raw siya, malapit sa cag de oro, doon nanirahan kasama ng pamilya niya.

pinagiisipan ko pa kung anong mga pwedeng kumplikasyon kapag binulaga ko siya, eh kasi naman baka di alam ng asawa niya at mga anak. mahirap na.

msPANDA said...

astig talaga...

ang mga chick-a-babes pala ay nagsesex na. ang aga naman...

ang galing... ang galing...

hindi pa ako nakakakita sa personal ng chicks na nagchochorvahan eh...aso pa lang... hekz!

hind ko pa rin naranasan ilagay sa sako.

panakot lang yun ng mga lola't lolo, tito't tita na malaki ang kabanasan sa palahaw ng iyak ko ng bata pa ako...

\m/ you rock talaga...

alingbaby said...

pero shempre naman ate, curious ka rin sa kanya diba? (kase ako rin kaya para sayo!;) ). ang galing ah, talagang may "pinahanap" ka pa. wish ko sana mag-meet na din kayo, malay mo hinahanap ka rin pala niya. :)

UtakMunggo said...

@aling baby: curious rin. kaya lang... alam mo yung nabuhay naman ako this long nang wala siya sa tabi ko bakit ko pa iko-complicate ang buhay ko at buhay niya, diba?

basta ang sagot ko'y isang umaalingawngaw na ewan. di pa ako desidido. tsaka nalang siguro. ewan. di ko alam. hehe