Saturday, 24 May 2008

ANG INGLES NG KAPAYAPAAN AY..? FISH.




naranasan nyo na bang maging biktima ng karahasan?

ako, oo.

kani-kanina lang, mismo dito sa loob ng pamamahay namin, ako'y naging biktima ng isang karumal-dumal na krimen.

ang anak kong si Impaktita Grace ay nagsisimula nang maging pa-girl. pinilit niya akong maging customer sa kanyang "parlor". hindi naman ako makaprotesta sa kadahilanang nagmamagaling pa rin ako, at lahat ng nagmamagaling na ina ay sinusuportahan ang bawat hilig ng kanilang mga anak.

eto na po.

inilabas na ni Impaktita ang kanyang mga kagamitan. nanlaki ang dati ko nang malalaking mga mata nang makita kong may hawak hawak siyang kitchen scissors. teka lang, kapag ako'y namatay sa parlor, who's gonna clean da toilet?!!

"put that away, Isabel, i'm only here for a hairdo."

"alright, mama. but next time you've got to let me cut your hair."

"uh, sure." (nagmagaling na naman! di bale, hindi naman ako nangako. ibang usapan na kapag nangako hindi ba?)

"promise?"

patay kang nanay ka.

"we'll see."

"no. you've got to promise."

"look, i'm late for the ball. do my hair now or prince charming will run away with the ugly step sister."

hah! buti nalang may left over skills pa ako sa pagiging isip bata. ayun.. ang precious hair ko (precious dahil unti-unti na akong napapanot sa kakashampoo ko araw araw) ay naging biktima sa mga kamay ni Impaktita.

nang siya'y matapos na, okay naman ang kinalabasan ng first ever pony tail na ginawa niya sa buhok ko... except for the fact na nasa harap ng mukha ko ang pony tail. ang masaklap, ayaw niyang pagalaw sa akin.

"you mean i have to walk around the house like this for the whole day?"

"yup."

"what if i fall over?"

"be extra careful."

"what if i have to take a shower?"

"put a shower cap on."

"but.."

"mama, do you like your pony tail?"

"yes.." (sige magmagaling ka pa! gusto ko nang sipain ang sarili ko.)

"if you like it, don't touch it. you'll only ruin it."

"okay."

shumadap na ang magaling na ina. papano kaya ako makakapagtrabaho ng maayos nito?!! meanwhile, nagkaroon ng munting catastrophe sa sala nang biglang napasigaw ng malakas si Impaktita Grace.

"mama!!! come see what Regina's been up to!!"

run like a charging hippopotamus si mother. humihingal pa ako nang makita ko ang laman ng paper shredder ay laman na ngayon ng buong sala. talagang inaabuso na nitong bunso kong si Bruhilda Marie ang pagiging cute niya. aba'y alam na alam niyang hindi ko pa mapapalo ang 2 years and 4 months old niyang puwit dahil iniintay ko pang maging 4 years old ang mga ito. humanda ka, Bruhilda. iniipon ko lang ang mga atraso mo sa akin.

hindi ako umimik. hindi kasi uso sa akin ang magbunganga kapag inis. alam ng mga anak ko ang itsura ng killer hippopotamus, at kaagad nilang pagsisisihan ang kanilang mga kasalanan.

"i'm sorry, mama," sambit ni Bru. talagang alam niya kung paano dapat yung itsura niya habang nagso-sorry. yun bang, talagang aantig sa matigas na puso ng kaniyang magulang.

"it's alright. help me tidy up, please."

siyempre kunyari pa-impress ang drama nitong si Bruhilda Marie. pumulot siya ng dalawang pirasong shredded paper, nilagay sa bin, at pagkatapos ay kumaripas na ng takbo at nag-ala Gringo na tumakas at nagtago sa playroom habang tinatapos ko ang paglinis ng sala.

may kumatok sa pinto. ang post man, may dalang parcel na kailangang pirmahan. pagkatapos kong magpirma at magpasalamat, sinara ko na ulit ang pinto at napatitig sa salamin...

PUNYETA, ANG PONY TAIL KO NASA HARAP NG MUKHA KO!!!

marahil ay iniisip ng kartero na nasa kalagitnaan ako ng isang exotic asian ritual involving a front facing pony tail nang siya'y napakatok sa aming pintuan. sana ay ganoon na nga.

ayoko namang isipin niyang ako ay weird.

16 nagbilog ng kulangot:

brotherutoy said...

I found my true calling! dahil sa post mong ito, napagtanto ko na ang tunay kong silbi sa cosmos ay ang maging fan mo at ang tungkulin ko sa sanlibutan ay ang magbasa ng blog mo regularly. Iba pala talaga ang purpose-driven life... Serenity!
God bless!

UtakMunggo said...

naman brother utoy, lumapad ata ang atay ko sa mga kumento mo. haaay... liver spread... serenity. hehe..

salamat na marami bro utoy, nawa'y isali mo sa iyong mga dasal ang pagpapatuloy ng katinuan ko.

God Bless!!

gasti said...

haha! ang kulet mo palang nanay..bigay hilig.

UtakMunggo said...

gasti,
may choice pa ba kaming mga ina? kaya nga alam kong totoo ang sabisabi na kapag nagkaanak ka, nakaganti na ang nanay mo sa iyo. hehehe

mnel said...

hahaha! this made my day. =D

may tears of laughter pa ko dito. ayan tutulo na. hahahaha.

ang cute ng dalawa mong little girls. sana ako rin magkaroon ng little girls in the very far future. hahaha. sa arte ko raw na ito, ang magkaroon ng baby girl ay isang pre-req. kailangang may magmana ng kaartehan ko. hehehe.

naimagine ko yung itsura nung kartero nung makita ka. hahahaha.

UtakMunggo said...

mnel,
di ko alam kung sanay lang sa weird na mga bagay ang kartero namin pero wla namang expression yung mukha niya kaya nga di ko agad namalayan ang pony tail ko pala nasa harap. ahehe

oo dapat may magmana ng pagiging girly girl mo! although di ko lubos malaman kung saan galing ang kakikayan ng Impaktita Grace ko, gayong lumaki naman akong brusko.

:P

linglingbells said...

haha! napaka-supportive mong nanay! kamusta naman ang ponytail sa harap ng mukha???!! anung reaksyon nung post man??

UtakMunggo said...

hindi naman nagkumento yung post man. marahil ay natakot na baka may samurai sword ako sa likod. haha

sanay na nga siguro sa mga weirdo yun. lol.

ifoundme said...

hehehhe! ok lang yan. at least nadala ang mga anak mo sa isang tingin lang... unique nga yan. san ka ba nakakita ng ponytail sa harap? o di ba sobrang creative?? hehehe!

UtakMunggo said...

IFM,

oo mababait naman sila (mana saken) yun nga lang masyado nila akong pinagtitripan..

maski weird ang stilo noong 80's wla pa akong nakikitang pelikula o mtv na may taong nasa harap ang ponytail. ahehe

:)

Taroogs said...

hehehe... sayang walang foto mo with the frontal ponytail look :-)

UtakMunggo said...

wag na nga taroogs baka wala nang magbasa ng blog ko pag nakita ang pagmemeke ko. ahaha

ok na yang hippo diyan. ika nga ni barney ay "use your imagination", kaya imagine mo nalang na may frontal ponytail si hippo.

:)

chroneicon said...

dabest po ito! ang kulit nyo ahaha! sana may pic! =D

UtakMunggo said...

chrone,

imagine mo yung hippo sa taas may ponytail sa mukha. chox na yun. ahehe

Maldito said...

uve got pretty clever babies!love em!

UtakMunggo said...

thanks maldito!

...pero alam mo, clever din ako paminsan minsan d lang alam ng marami.. hhehe